August 17, 18 and 19 2015! --My first international flight with all cost free! excited ako na hindi nong papalapit palang ito dahil nong time na yon ay mababa ang production ko at naroong isipin ko na lumipat na sa ibang company after the singapore trip.
It was a first horrible trip experience! nakuhaan ako ng bala sa bag ko pagdating ko sa airport. nagtagal tagal din bago ako nakawala. dahil sa first time ko yon, nanlumo ako at nagka phobia hanggang pagdating namin ng singapore. pero mind you, hindi ako nabiktima ng laglag bala ha. hehehehe. talagang bala ko ang nakuha sa bag ko. hindi ko lang talaga ito nakita nong mag impake ako at nag check ng hand bag ko. nagkaroon ako nito nong magkasakit ako last year. sinabihan ako ng albularyo ng mag karon ng bala bilang anting anting dahil sa kinukulam daw ako. ibinigay naman ito sakin ng kapatid ko at inilagay ko nman sa maliit na bulsa ng bag ko na araw araw kong dinadala.
No comments:
Post a Comment