I do not believe in unlimited income!--but that was before..until I prove it with my job right now!
Most of us want a secure job. A job with a basic salary. Kahit ako ito ang pinangarap ko before kaya hindi na ako umattend ng graduation ko sa college dahil nag hanap na agad ng work sa kagustuhan na makatulong agad sa maralita kong pamilya. Una kong tinarget noon ay mga call center jobs not knowing na mga international jobs pala ito. Natatawa ako pag naaalala ko ang unang experience ko. I applied as financial rep dahil na attract ako sa salary. When I went there sa rcbc plaza for my interview, I was totally shocked! Napag alaman ko bawal tagalog or taglish sa ganitong trabaho! Halos mag back out ako that time dahil sa wala akong maapuhap na mga salitang english. Eh ako pa naman ung tao na hindi nakakapag construct ng on the spot ng mga english words. Pero pag katapos non, kahit itinuring ko ito na isa sa mga most embarrassing moment ko, di pa rin ako huminto sa pag aapply. Nasundan pa din ito dala ng self confidence and challenge. Pagkatapos ng ilang beses na pagkabigo sa mga call center jobs, napadpad ako sa isang agency sa legazpi sa bandang ayala makati. Na irefer ako sa isang local call center at na hired ako as telesales rep at na deployed sa axalife. Talagang pinaghirapan ko pa ng husto un bago ako natanggap sa agency na un. It was just happened na mabait ung HR na nag interview sakin at pinakita ko talaga na pursigido akong matanggap sa trabaho. Nagkaron pa kami ng konting tutorial sa ilang part ng exam ko.
It was may 2010 when I started my first job as tsr. One week kaming nag training sa metrobank card then sa axalife building kami nag opisina. Dahil first job ko, wala akong ibang nararamdaman kundi kasayahan. Talagang kinaya ko lahat kahit mahrap sa training palang. Mahirap in way na lahat bago sa aking experience. Mas lalong humirap nang aktuwal na kaming nag duty. Nagustuhan ko ang environment dahil call center type talaga ang office.
No comments:
Post a Comment