Menu

Tuesday, July 28, 2015

WHO AM I?!

It was sunday, july 26, 2015--I finally went back at picc for the FEAST of bo sanchez. I spent its 2 sundays in robinsons galleria at ortigas cinema and in glorietta cinema dahil sa ilang mga pangyayari katulad ng APEC at pagkakalipat ng afternoon session sa aliw theatre near star city. Nong una I tried to proceed there after I came from picc to attend the 1pm session of the feast. Natuwa pa ako non dahil may shuttle service pa from picc to aliw theatre na akala ko ay pagkalayo layo pero isang kembot lang pala from picc ay nasa aliw theatre ka na. So intered there with seat number. Unlike in picc that u have a freedom to choose the chair where u are comfortable to set in. Nong nasa loob na ako sitting in the middle of the chairs with strangers both side, bigla kong na realized na wala pala akong kasama at naisip ko na nman ung mga sinsabi ng mga speaker during the talk, to greet or hug or talk the person beside u. I dont know if its shy or insecurity na nahihiya ako dahil lahat ng mga attendees ay may kasamang pamilya, kaibigan or grupo ng kaibigan...so bigla akong lumabas ng theatre bago pa nagsimula ang the feast! May dala dala na ako non na banner na maliit at magazine! Alam kong mali dahil di ko nalabanan ang naramdaman ko para maka attend ng the feast. Mahirap man sa loob ko ay patuloy akong naglakad palabas ng venue and karma strikes! Dahil sa first tym kong makarating sa venue na un, mali ang natahak kong way pauwi. Malayo layo din ang nalakad ko under the sun mula theatre. So bumalik ako at muling tumahak pabalik ng theatre at dire diretso ay napag alaman ko na malapit lang pala ito sa picc! And from there ay sumakay na aq ng cab papuntang moa.
Now, I felt something good na nandito na uli ako sa picc.I feel comfortable here in attending the feast than in robinsons galleria and glorietta kahit may free snacks. Sa ibang venue ay di ko pa nasusubukan.
As usual, napakadaming attendees uli ang dumagsa for 10am session. Ang paborito kong upuan ay sa gitna katapat ng screen or monitor but am always placing my self sa first chair ng mga upuan dhil nga sa wala ako laging kasama , ok na sakin na sa isang side ko lang ako may katabi na stranger.
While I was in the line with so many people waiting for us to get inside and get a chair to set in, mixed emotions uli ang nag pop up sa isip at puso ko that leads me to pray like this "LORD, TULUNGAN NIYO PO AKONG MAPUNUAN KO NG TAMA ANG KAKULANGAN NA NARARAMDAMAN KO O KAYO NA PO ANG BAHALANG PUMUNO SA KAKULANGAN NA AKING NARARAMDAMAN". While thinking so deeply, i've got to ask my self kung ano ba talaga ang gusto ko, at kung ano ba talaga ang kulang.
KULANG ako?--oo kulang ako sa literal na kahulugan ng kulang. Trying to remember what other told me during childhood days. When u are in a third sex group, people will say that u are not enough. Kumbaga, kalahating lalaki at kalahating babae ka. So di ka buo. But at that time, hindi ito ang dahilan kung bakit ko nararamdaman ang kakulangan sa aking pagkatao. Kulang ako sa paraan na parang may kahungkagan akong nararamdaman sa aking puso. May hinahanap ako na kahit alam ko kung ano ito ay di ko magawang aminin at gawin sa sarili ko. Is it love from a partner in life? A love from family, relatives or friends? Or a love from JESUS...
Namulat ako na may kompletong pamilya at mejo maginhawang buhay dahil masisipag ang mga magulang ko. May malaking bahay na laging may nakatambak ng sako sakong palay. May dalawang lupang pang ilog na pag ma may ari ng aking ama. Ang nanay ko ay isang mananahi. Para na ding negosyante ang tatay ko dahil sa walang pahingang pag ta trabaho at pumupunta siya sa ibat ibang baryo para makipag palitan ng kung ano anong produkto. Minsan pumupunta ng maynila para bumili ng mga ititinda pag uwi lalo na pag summer.nasa anim na taong gulang ako nang magsimula magulo ang pamilya namin dahil sa mga tsismis o sabi sabi ng mga taong nakapaligid samin. Nasira ang pamilya namin dahil sa panibugho o selos ng aking ama na nangyari nong madalas siyang nasa maynila at pag umuuwi siya ay binibiro ng mga kakilala na may bago na daw ang aking nanay. Ito ang pinaka summary na alam ko kung paano nasira ang pamilya namin. Dahil bata pa noon at puro laro ang nasa isi ko, kokonti lang ang mga naaalala ko. Pero tumatak sa isip at puso ko ung mga panahon ng lumala ang pag aaway ng mga magulang ko. Ung mga panahon na binibitbit ako ng aking nanay dahil ako pa ang bunso noon pag tumatakas siya sa gitna ng gabi papunta sa kamag anak namin na mejo malayo layo din ang bahay mula sa bahay namin para doon matulog dahil lasing na naman ang aking ama at napuno na nman ng takot ang aking ina. Nong mabuntis si nanay sa bunso namin ay kinuha siya ng mga magulang niya at ako ang laging kasa kasama. Tumira kami pansamantala sa lolo at lola ko na nasa kabilang baryo namin hanggang sa manganak si nanay. Nong mga panahong un ay mas lalong lumala ang ugali ng aking tatay. Pati mga nakakatanda kong kapatid na naiiwan sa bahay namin ay nagagawa na din niyang saktan pag nalalasing. Hanggang sa dumating kami sa punto na nagkawatak watak na. Nagsimulang pumunta sa manila ang mga nakatatanda kong kapatid para mag trabaho sa mga kamag anak namin na nasa manila. In short, maagang naranasan ng mga nakatatanda kong kapatid ang hirap ng buhay sa pag ta trabaho at pakikisama sa mga kamag anak namin. Nagsimula ito nong nasaksak ng tatay ko ang isa sa mga naging kaaway nia sa baryo namin na sa pag kakaalam ko ay un ung tao din na laging bumibiro noon sa tatay ko na may iba na daw ang nanay ko.siyempre nakulong ang tatay ko at napunta siya ng maynila. Hindi ko alam kung inilipat siya sa maynila o muling nakulong sa maynila. At ang pagkakataong ito ang nagpalaya sa aking nanay mula sa hirap at sakit na dinanas niya sa aking ama. Pagkatapos ng ilang buwan ng panganganak ng aking ana, sumunod siyang pumunta sa maynila para makipag sapalaran ng bagong buhay. Ang di malinaw sakin ay kung sinama nia agad sa maynila ang bunso namin o iniwan nia sa lolo at lola ko dahil ang malinaw sakin ay ako lang at isang pinsang buo na babae na pariwara din ang mga magulang ang naging kasama ko sa bahay ng lolo at lola ko. Ang pagkakatanda ko ay laging kasa kasama noon ng nanay ko ang bunso namin at ilang beses din siyang nag pabalik balik ng maynila at probinsya.
Walong taon gulang na ako ng makapag enroll ako ng grade 0ne habang nasa poder ako ng grandparents ko. Kasabay ko ang pinsan kong buo na babae dahil isang taon lng ang tanda ko sa kanya. Hindi noon natuloi ang pag aaral ko ng grade 0ne sa edad na anim o pito dahil nga sa nangyari sa pamilya namin. May isa pa pala akong kapatid na lalaki na kasama sa poder ng grandparents ko. Bale tatlo kaming iniwan sa matatanda kasama ung pinsan ko.
Habang nag aaral ng elementarya, lagi ako non nag iipon ng mga papel ko na 100 ang grade dahil binibili un ng nanay ko pag umuuwi siya galing maynila. At dahil lumaki akong matalino, madami akong naiipong paprl na 100 ang grade. Pero siyempre hindi rin naging madali ang childhood days ko sa poder ng grandparents ko. Dahil sa matatanda na Iito at umaasa lang sa mga padala ng mga anak na nasa maynila, naging mahirap ang relasyon o samahan dahil ramdam ko noon ang favoritism na tinatawag. Dhil siyempre mas naging pabor sila ayon sa aking damdamimg bata, sa pinsan naming babae. Ito lage ang nasa bahay at sumusunod sa matatanda. Hindi din naging maganda ang relasyon naming mag pinsan dahil nasa murang puso ko noon ang inggit sa tuwing binibigyan ito ng lola ko ng palihim ng pagkain o barya. Ung isa ka namang kapatid dahil sa likas na kapilyohan ay lage din kaming nag aaway at lageng pinapagalitan ng grandparents ko. Hanggang sa kinupkop ito ng uncle namin na pinsang buo ng nanay namin. Kapit bahay lang sila ng grandparents namin at sila ang pinaka mayaman sa buong barangay namin sapagkat sila ang may pinaka malaki at pinaka magandang bahay. Kumbaga ginawa nilang boy ang kapatid ko at naging labas pasok nalang ito sa bahay ng grand parents namin. Nong panahong un iniwan na din ni nanay ang bunso namin sa poder ng grandparents ko at bumabalik at umuuwi na ng maynila at probinsya si nanay na hindi bitbit ang bunso naming babae.
Naging first honor ako mula grade one until grade four. Ang laging nag lalagay sakin ng ribbon ay ibang tao.pag hindi kamag anak, kakilala o kapitbahay na pinapakiusapan lang ng aking lola. Pinangarap ko din noon na sana mga kapatid kong nasa maynila o si nanay
Naman ang umakyat ng stage para mag lagay sakin ng ribbon at magsabit ng medal.
Grade 2 ako nang mag ka crush kay jonathan. Grade one sila non ng kapatid niang si jeffrey at galing ng maynila ang pamilya nila kaya mga puti sila nong dumating. At dahil dalawang grade ang isang classroom (multi grade) nakasama ko siya sa iisang classroom. Naging masaya ako sa isang araw na di ko nakakalimutan kung saan nakasama ko siya sa paglalakad sa kalye kasama ang pinsan kong girl habang nag lalaro ng takbuhan o habulan. Ilang buwan lang ay nawala ang pag hanga ko dahil cguro crush nga lang ung naramdaman ko.
May mga naiwan din akong friends sa barangay  kung saan una akong namulat kassma ang buong pamilya ko.minsan sumusulat ako sa kanila at may iba din na nag ri respond. Natutuwa ako pag piyesta sa barangay namin at sa dati kong barangay dahil nagkikita kita kami na dating magkakaibigan, na para bang mino monitor namin ang paglaki ng bawat isa. I was in grade 3 nang mag ka crush naman ako kay jerome. Naging best friend ko ito! At ito na yata ang pinaka masayang childhood days na nangyari sakin. Hanggang grade four ang naging relasyon namin. Nag susulatan kami araw araw at minsan ay kinukuha nia sa songbook o listahan ng mg song lyrics ung mga isinusulat nia sakin. Nagtatabi kami sa loob ng classroom dahil naging mag ka klase kami. Nagtatabi kami sa panonood ng palabas sa isang beta max house at minsan partner naming iniikot sa buong maliit naming barangay ang isang blackboard kung saan nakasulat ang title ng isang palabas at isa samin ang may hawak ng dalawang maliit ng empty canned sardines para maglikha ng ingay at mapansin kami ng mga tao na manonood ng palabas. Madalas tinutukso kami sa barangay namin at sa eskuwelahan dahil mag syota ang tawag nila sa amin.
Pagkatapos ng grade 4, kinuha kami ng tatay namin na nong panahon un ay nakalaya na pala sa manila. Kapatid ng nanay ko ang kumuha samin sa poder ng grandparents ko. Ako,ang bunso naming babae at kapatid kong lalaki na kinupkop ng rich uncle ko. Ang nangyaring un ay hindi alam ng nanay ko na ilang taon na din na hindi kami inuwi pagkatapos iwan sa poder ng grand parents ko ang lumalaki naming bunso.
Dumating kami sa cavite at dun kami sinundo ng tatay ko. Hindi ko alam kung ano ang sakto kong naramdaman nong panahong un. 5yrs cguro na wala siya sa tabi namin simula nong kinuha sa kanya ang nanay ko ng grandparents ko. Ang naaalala ko lang humagulgol
Ako ng iyak nong yakapin nia ako. Dahil sa first tym ko noon makarating ng maynila, siyempre naging masaya ako at nakaramdam ng pagmamalaki sa sarili dahil kahit sinong bata na nasa probinsya ay nangarap na makapunta ng maynila para makakita ng mga sasakyan at buildings na sa palabas lang nila nakikita.
Mula sa cavite ay dinala kami ni tatay sa paranaque kung saan siya nangungupahan. Ok na sana ang feeling ko non dahil isang subdivision ang pinasukan namin. Pero na dismaya ako ng konti ng ang nadatnan naming bahay ay wala sa ayos. Isang bahay na sira na ang tanging maayos lang ay ang papag na higaan. Walang tv, madumi at maitim ang sementong sahig, sirang door knob ng pinto.
Sa pagsisimula ng mga araw na nasa piling na kami ni tatay, unti unting nabuo muli ang pamilya namin sa sirang bahay na un. Dumadalaw minsan lalo na pag linggo ang mga nakatatanda naming kapatid. Nong malaman ito ng nanay ko, hindi nia nagustuhan ang pagkuha samin ng kapatid nia na utos ng tatay ko dahil di daw siya naabisuhan. Dumating kami sa point na nakompleto kaming anim na magkakapatid kasama si tatay at natulog kaming magkakatabi sa isang papag. Naglalako ng isda sa buong subdivision ang tatay ko at sinama sama nia ang kapatid kong lalaki na kinupkop ng rich uncle ko. Dumating sa point na dinalaw na din kami ni nanay para kunin ang bunso naming babae at nag usap sila na mag hiraman nalang samin na mga anak nila. Nong panahong un ay sa bulacan na pala si nanay kasama ang bago niang asawa na ayon sa kanya ay una niang naka relasyon
 pero d daw ito nagustuhan ng grandparents ko kaya sa tatay ko siya bumagsak na responsable at masipag nong una.
Sa loob ng isang taon ay ibang buhay uli ang naranasan ko. Kalaunan ay isinama sama na din ako ng tatay ko sa pagbili ng mga panindang isda sa kabihasnan. At dahil palaaway kami ng kapatid kong lalaki, minsan ay napapagalitan kami. Isinasama din kami sa pagtitinda ng mga isda sakay ng isang sidecar. Pinatinda din kami sa isang puwesto sa fourth state sa paranaque. May mga damit, sigarilyo, candies, mga isda, at mga prutas. Hanggang sa dumating kamu sa pagbubukas ng isang canteen na naka puwesto sa harap ng isang pabrika sa loob ng subdivision. Ang bakanteng canteen ay ipinaalam ng tatay ko sa pinsan nia na nasa subdivision din at siyang may ari ng bakanteng lote na may saradong canteen. Nagtinda kami ng mga pagkain at barbecuehan. Tumulong at nag stay samin ang ate ko. Pagkatapos ko magkaron ng pagkakataon na makasama sa isang ate ko na nakatira sa auntie namin  sa valenzuela habng nag aaral, napunta ako sa nanay ko sa bulacan. Iniwan ko kapatid kong lalaki at ang ate ko na tumutulong pa din sa tatay ko sa pagtitinda.nakasama ko uli ang bunso naming babae sa piling ni nanay na noon ay nananahi sa isang pabrika sa patag sta. Maria bulacan, at bago niyang asawa na panidero naman at sa bulacan sila nangungupahan.

No comments:

Post a Comment