Menu

Saturday, January 16, 2016

TOXIC 2016

hay naku! hindi ko kinaya ang ikalawang linggo nang bagog taon na ito. imagine dalawang kliyente ang nagbigay sa akin nang sakit ng ulo. sobrang di ko na kinaya ang stress. isang araw na nilagnat ako sa kaiisip kung paano ko ito haharapin. nong una ay plinano kong takasan ito by making an absence sana para ipasa nalang sana ito sa manager ko at sa oic ko. pero thanks God at nag karoon pa din ako ng lakas ng loob na harapin ito. sabagay ito ang consequences ng aking mga ginawa kaya dapat ko itong harapin. sa huli ay na realized ko din mas maganda pa din talaga ang humarap sa sarili mong problema kesa takasan mo ito. mas maganda pa din na buong tapang mong haharapin ito. at the end ikaw din mag bi benefit dahil mas makikilala mo ang sarili mo ayon sa problema na ginawa mo.

this is the last day of this toxic second week! akala ko mag ri resign na ako ei.

kahit matagal na ako sa trabaho ko minsan dumadating pa din ako sa point na gusto ko na talaga mag resign at mag tambay nalang o mag pokus sa online business na pinasok ko pero nakakainis dahil pag ginawa ko yun mahihinto ang active income ko pero continuous ang mga credit card bills ko kaya need ko talaga maipa cut muna mga credit card nang sa ganon ay makapag simula muli ako.

pero kahit papaano am still happy dahil sa wakas ay natapos ko na din ang unang ebook ko na ibibigay ko for free online and am already done typing it. iyon nga lang ay sa ibang laptop. naisahan kasi ako sa pag bili ko ng laptop. need ko pa pala bumili ng microsoft word 2016. so for the meantime ay ginawa ko muna itong itype sa laptop ng officemate ko.

No comments:

Post a Comment