Menu

Friday, February 26, 2010

OJT

at last! I finished my ojt last february 20. bad trip nga ako ako kasi sabado yun at pumasok ako for the first time para matapos na ang pag gising ko ng maaga. tsaka ako pa ang nahuli sa ibang mga kasama ko imbes na sila dahil sa maling kwenta ng HR sa oras ko. it was february one nang magpabilang ako ng oras at nalaman kong pagdating ng pangalawang linggo ng buwang ito ay tapos na ako. mejo nasurprised din ako that time kasi ang expectation ko ay sabay sabay kaming matatapos by the third week or last week ng buwang ito. pero di ko na pinag basehan ang expectation kong yun dahil galing na sa HR kako ang computation ng oras ko eh. so confident tlaga ako na tapos na ako by the second week of this month. ang saya saya ko that time pero di ko ito natapos tapos dahil gumawa ako ng ilang absences lalo na pag monday na puyat ako pag nauubusan ako ng pera. then nong mga ilang oras nalang ang natitira, nag kuwentahan uli ng oras and we found out na mali ang manual computation ng HR. eh that was the third week already of this month at ang naging resulta, mga kasama ko ang totoong natapos at naiwan ako! ayun, kinantiyawan nila ako ng kinantiyawan na mejo ikinabadtrip ko pero di naman masyado kasi sport naman akong tao eh. so ayun. na xtend pa yun ng three days sana for 23 hours to be completed my 400 hours required in our ojt. then nag ot ako ng dalawang araw para matapos ko na nga to. pumasok ako nong sabdo petsa bente at umuwi ng alas siyete ng gabi. pagdating ng monday, pakwenta uli ako at natapos narin yun sa wakas. gusto ko nang magpahinga ng isang linggo o kaya pumunta sa cavite para magbakasyon doon ng isang linggo. tapos na rin ang paghihirap ko sa paggising ng maaga at araw araw na pangungunsumi sa pagbabudget ng dalawang daang piso sa loob ng limang araw kasama na ang gamot na binibili ko araw araw para sa mga paa ko. pero nong malapit na ako matapos, natouched na naman ako for the third time nang malibre na naman ako ng lunch. si maam rosslyn ang nagbayad ng lunch ko that time at malaking bagay uli yun para sa akin dahil forty plus din ang halaga ng lunch na yun. si maam rosslyn ang pangatlong tao sa TID division na naglibre sa akin ng pagkain na dhilan para makatipid ako minsan at makaraos sa loob ng limang araw na may dalawang daang pisong budget. sa COA naman, nalilibre ako sa pagkain at ulam nalang ung binibili ko pag anjan sila auditor bong at maam fina.....

No comments:

Post a Comment