Menu

Thursday, January 14, 2010

halalan twenty ten

botante na ako at sa tingin ko ay nasa hustong edad na para matutong makialam sa maruming mundo ng pulitika na ayon na rin sa mga nababasa ko. pero minsan madalas kong sabihin sa sarili ko na wala akong pakialam kasi kahit naman sino ay ibinoboto ko kaht sino pa ay ang kandidato na yun. pero ngayon, parang gusto ko nang bumoto ng tamang kandidato, ng matinong kandidato. pero di ko alam kung ano ang gagawin kong batayan para makapamili ng tamang kandidato dahillahat naman ng kandidato ay nagpapasikat para manalo, gumgastos para manalo, at gingawa ang lahat para manalo, which is para sa akin ay hindi isang batayan para sabihin ko na ang kandidato nayun ay totoo,matino,at ttotoong tutupad sa mga sasabihin nia at sa mga ipapangako niya para sa bansa at para sa lahat ng tao na bumubuo ng isang bansa na ang layunin ay talagang mapaunlad at mapabuti ang lagay ng pilpinas. para sa akin, kung totoong tapat ang hangarin mo sa kapwa mo at sa posisyong gustong makuha para mapaglinkuran ang kapwa ay di mo na kailangan ang magsalita,mangako, gumastos at magpasikat para manalo dahil ang taongbayan ang magluluklok sa kalagayang gusto mong klagyan. para sa akin ay tama na ang kilala ka ng publiko, sapat na ang malaman ng publiko na tatakbo ka sa isang posisyon na gusto mong makuha para maglingkod sa kanila.one word is enough ika nga. hindi ko sinasabi na wag nang gumawa ng ano mang basic na bagay para sa promotion na maibibigay mo para sa sarili mo. halimbawa sa plataprma. what i am trying to point out is to make a plataporma na hindi masyadong mayabang pakinggan, at puro pangako sa taongbayan ang sasabihin. kasi kahit anong sabihin natin,kahit anong gawin natin, di natin malalman kung tayo talga ang iboboto ng tao, so sapat na siguro ang tiwala sa tao at hgit sa lhat ay ang tiwala sa Diyos, at hindi tiwala sa pera o anumang koneksiyon o plano tulad ng pandaraya para makuha ang gusto.
as of now, napapatunayan ko sa sarili ko ang isang artikulo na nbasa ko na nagsasabing kapag election daw ay gamit na gamit ng mga kandidato ang mga taong mahihirap which is very very true nga naman.....mappansin natin ngayon ang mga infomercials o patalastas na nagpopromote sa isanng kandidato na pawang mahihirap na mga tao ang kasama,at mga mahihirap na tao ang nag sasalita para sa isang kandidato...ANG GALING! SABI KO. pero pagkakatapos ng election, anong mangyayari? wala na! balik sa dating kalagayan ang mga mahihirap, na aminin man natin o hindi ay nagiging masaya rin dahil nakikinabang din naman ng malaki...

No comments:

Post a Comment